rachelbalagot asked: awwww mamimiss ko po ang pagupdate mo.. god luck sa exam mo.. :D
Aww. Thank you. :) Pasensya na rin kung matatagalan ah.
julielmonewbie asked: pede po bang makahingi ng softcopy ng ff nyo na She Will Be Loved. :)
Ahm, ms word lang po ang meron akong soft copy eh pero gagawa na lang siguro ako ng pdf file nun. Ipopost ko na lang siguro kapag meron na. Magiging busy na kasi ako eh. Sorry. :)
To my readers,
Guys, titigil na muna ako sa pag-uupdate ng “It’s Just Another Bet” or should I say, mas dadalang lalo ang update ko kasi magfo-focus muna ako para sa aking review. Magrereview po kasi ako para sa ECE Board Exam namin on October and I’ll be staying in Manila. Yes, you read it right, board exam so kailangan talaga ang matinding focus sa pag-aaral. Sana maintindihan nyo po. Mag-u-update naman ako once na nakalibre or kapag nakatakas ako. Haha! >:D Sana, pagbalik ko, andyan pa rin kayong readers ko at ngayon pa lang, magpapasalamat na ako sa paghihintay at pagbabasa ng mga updates ko. Ulit, sorry kung magiging M.I.A. ako in a while, kailangan ko lang talagang magfocus sa review. Yun lamang po. Maraming salamat! :)
Promise, I’ll be back soon. :)
Sincerely yours,
@mysweetgenz
It’s Just Another Bet 25
Limang araw na mula nang makabalik sila galling sa Cebu ay hindi pa nakikita ni Elmo si Julie. Sa tuwing pinupuntahan niya ito sa klase ay lagi itong wala dahil excused sa klase o hindi naman kaya ay hindi alam ng mga kaklase. Kapag naman tinatawagan niya ito ay madalas busy o di naman kaya ay unattended. Hindi rin ito sumasagot sa mga text messages niya kahit anong dami pa ng pinapadala niya dito. Kahit sila Lexi ay walang alam kung saan ito nagpupunta dahil hindi rin ito nagpaparamdam sa mga ito.
Elmo: Arrrrgghhh! *hampas sa mesa*
Alden: Easy! Makahapas ng mesa, aba! Tamong kumakain yung tao.
Derrick: Oo nga. Ano bang problema mo ha? *subo ng kutsara*
Elmo: Si Julie kasi. *pinaglalaruan yung tinidor*
Alden: Oh, anong problema kay Julie?
Elmo: Limang araw na siyang hindi nagpapakita sa’kin.
Alden: *inom ng orange juice* Baka naman busy lang.
Elmo: Busy? Eh, kahit mga tawag at text ko hindi sinasagot.
Alden: Malay mo naman, busy lang talaga siya.
Derrick: Baka naman may ibang lalaki na.
Elmo: *binato ng tissue* Loko!
Alden: Kasi nanggatong pa eh. Eh, teka Moe, baka naman may nagawa kang kasalanan kaya iniiwasan ka?
Derrick: Oo nga.
Elmo: Wala naman akong natatandaan eh.
Derrick: Eh, yung sa Cebu nun? Yung nasa flower farm tayo? Pansin ko, pag-uwi natin nun, parang ilang kayo sa isa’t isa.
Alden: Napansin ko rin yun. Baka naman yun yung dahilan kung bakit iniiwasan ka ni Julie.
Elmo: Hindi no. Ok na kami nung hinatid ko siya sa bahay nila kaya imposibleng yun yung dahilan kung iniiwasan man niya ‘ko. Hindi naman yun yun eh saka hindi naman niya ‘ko iniiwasan diba? Aishh! Gulo!
Derrick: Yaan mo na pare, ganyan lang talaga mga babae. May mood swings.
Alden: Wag mo na muna masyadong isipin si Julie. Magpapakita rin yun sa’yo kaya relax ka lang.
Derrick: Saka malay mo, nagpapamiss lang yun kaya ganun.
Elmo’s POV: Well, I guess she’s doing a great job on that because I’m terribly missing her right now. *buntong hininga*
Sa pananhimik niyang iyon ay bigla naman niyang naramdaman ang isang lukot na papel na tumama sa kanyang mukha at nakita niyang nakangisi si Derrick sa kanya.
Elmo: Problema mo? *sabay bato kay Derrick nung lukot na papel*
Derrick: Ikaw kasi. Tulala ka na dyan, di mo naririnig yung cellphone mo. Kanina pa yan tumutunog.
Napakunot naman ng noo si Elmo sa sinabi ni Derrick at saka niya kinuha ang cellphone niya. May bahagi ng kanyang isipan na umaasa na sana si Julie ang tumatawag sa kanya pero nabigo siya dahil nakita niyang pangalan ni Lexi ang rumehistro sa screen ng kanyang telepono. Bumuntong-hininga muna siya bago sinagot ang tawag nito.
» Phone Convo «
Elmo: Lexi? Napatawag ka?
Lexi: Elmo! Si J-julie!
Napatayo si Elmo sa tono ng boses ni Lexi. Pakiramdam niya kasi ay may hindi magandang nangyari kay Julie kaya ganoon na lamang ang boses nito.
Elmo: Bakit?!? Anong nangyari kay Julie?!
Lexi: Sabi kasi nung guard kanina, may kumuha raw sa kanya tapos dinala sa kung saan.
Elmo: Ano?!? Ba’t hindi man lang siya sinaklolohan?
Lexi: Hindi ko rin alam eh. Basta, yun lang yung sabi ng guard tapos may kumontak kay Ynna kanina. Ang sabi, nasa kanila daw si Julie at hindi raw nila papakawalan si Julie hangga’t hindi naibibigay yung gusto ng kidnappers.
Elmo: Sh*t! *nasabunot ang sariling buhok* Ano raw bang gusto nila? Magkano? Sabihin lang nila basta, pakawalan lang nila si Julie.
Lexi: Yun na nga Elmo eh. Hindi pera ang gusto nila.
Elmo: *kumunot ang noo* Huh?! Kung hindi pera ang gusto nila, eh ano?
Lexi: Ikaw!
Elmo: Anong ako? Hindi kita maintindihan, Lexi.
Lexi: Ikaw ang gusto nila kapalit ni Julie. May atraso ka raw sa kanila at kailangan mong pagbayaran kaya nila kinuha si Julie kasi alam nila importante siya sa’yo.
Elmo: *hinampas ang mesa* Sh*t! Sabihin mo, pupunta ako. Ako ang kailangan nila kaya h’wag na h’wag nilang gagalawin si Juile.
Lexi: Ang sabi ng kidnappers, pumunta ka raw back garden ng school mamayang 8 pm. Hihintayin ka nila dun at wag ka rin daw magkakamaling magdala ng kasama kundi si Julie ang malalagot. Elmo, please, i-iligtas mo s-si… Julie. *humihikbi*
Elmo: Oo, Lexi, akong bahala kay Julie. Walang mangyayari sa kanyang masama. Pangako ko yan.
» End of Convo «
Alden: Bakit? Anong nangyari kay Julie?
Elmo: May kumidnap daw kay Julie.
D/A: Ano?!?
Elmo: Kinidnap daw siya ng mga nagawan ko raw ng atraso. Si Julie ang kinuha nila kasi alam nilang mahalaga sa’kin si Julie.
Alden: Anong plano mo?
Derrick: Kailangan mo ng tulong? Hihingi ako ng tulong sa connections ni dad.
Elmo: Wag! Wag na. Kaya ko na ‘to. Isa pa, yun ang request nung kidnappers. Ako lang raw dapat ang pumunta dun kasi kung hindi, sasaktan nila si Julie.
Alden: *tinapik sa balikat si Elmo* Basta, mag-iingat ka. Tawagan mo agad kami kung kailangan mo ng back-up, pupuntahan ka namin agad.
Elmo: Salamat.
Napabuntong hininga na lang ulit si Elmo. Hindi niya aakalain na mangyayari ito. Kung mahirap na para sa kanya ang hindi nakita ito ng ilang araw mas lalong mahirap ang sitwasyon niyang ito. Hindi niya alam kung anong gagawin niya dahil nasa panganib ang babaeng nagpatibok ng puso niya. Ang taong, sa maikling panahon, natutunan niyang pahalagahan at alagaan at hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung may mangyaring masama dito nang dahil sa kanya.
Mag-aalas-otso na ng gabi at nakatayo siya ngayon malapit sa back garden ng eskwelahan nila. Inaabangan niya ang mga lalaking kumidnap kay Julie dahil doon ang sinabi ng mga ito na maging tagpuan nila. Nang matanaw niyang may puting van ang pumarada sa malapit at bumaba ang dalawang lalaking nakaitim na nakatakip ang mga mukha kasama si Julie ay agad na siyang lumapit sa mga ito.
Elmo: Julie!
Julie: Elmo!
Guy 1: Dyan ka lang!
Elmo: Please, wag nyong sasaktan si Julie.
Guy 2: Pa’no kung hindi namin gawin? *sabay sakal ng konti kay Julie*
Elmo: Wag! Please, kung may atraso ako sa inyo, ako na lang ang saktan nyo. Wag lang si Julie, please.
Guy 1: Talagang malaki ang atraso mo sa’min!
Guy 2: Oo nga! Una, hindi mo ‘ko pinakopya sa Algebra nung first year tayo.
Guy 1: Tapos hindi mo pa sinosoli yung bala ko ng PS 3!
Guy 2: Saka may utang ka pa sa’king Toblerone at Ferrero Rocher!
Elmo: Teka teka, Alden? Derrick?
Saka naman tinanggal ng dalawang lalaki ang kanilang mga mascara at sinimulang humagalpak ng tawa.
Derrick: Bw-bwahahahahahahahahaha! *hawak sa tyan* Pare, dapat nakita mo yung mukha mo kanina! Bwahahahahahahahaha! Panalo! Wohooooo!
Alden: Oo nga! Hahahahaha! Grabe, meron ka pang nalalaman na “Please, kung may atraso ako sa inyo, ako na lang ang saktan nyo. Wag lang si Julie, please.”. Hahahahaha! Ang cheesy mo talaga, Moe!
Elmo: Mga walangya kayo!
Akmang susugurin ni Elmo sila Alden pero pinigilan agad siya ni Julie. Nagtatanong namang tiningnan niya ang dalaga.
Elmo: Julie, bakit? Kinidnap ka na nga ng dalawang ‘to eh tapos ipagtatanggol mo pa.
Julie: Uhm, a-actually, ako nga yung nagsabi sa kanila na kidnapin ako eh.
Elmo: Huh? Bakit?!?
Nilapitan ni Alden si Elmo at saka siya tinapik nito sa balikat.
Alden: Hayaan mo lang magpaliwanag si Julie. Sigurado ako, magiging masaya ang gabi mo. Sige na, aalis na kami. *lumingon kay Julie* Julie, ikaw nang bahala sa sira ulong ‘to ah. Aalis na kami.
Julie: Sige. Salamat ulit sa tulong nyo.
Alden: Wala yun. Sige, una na kami ni Derrick. Enjoy your night. *ngumiti*
Nang makaalis sila Alden ay saka muling tiningnan ni Julie si Elmo na mukhang nalilito na sa mga nangyayari.
Julie: Tara muna dun. Saka ako mag-e-explain.
Saka inihatid ni Julie si Elmo sa gitna ng back garden at doon lang nito napansin ang nakalatag na banig pati na rin ang isang basket, gitara at gasera. (A/N: Para po sa mga di nakakaalam, yung gasera po yung parang lamp shade sa panahon ng Kastila. Hehe.) PInaupo muna niya ito saka siya muling nagsalita.
Julie: Uh, Elmo, galit ka ba?
Elmo: Galit? Hindi naman pero nag-alala talaga ako sa’yo.
Julie: Sorry pero part kasi yun ng plano ko eh.
Elmo: *kumunot ang noo* Plano? Anong plano?
Julie: Plano ko talaga na hindi magpakita at pagramdam sa’yo nitong mga nakaraang araw. Inaayos ko kasi ‘tong surpise na ‘to eh.
Elmo: Anong surprise?
Julie: *inilahad ang kamay* Ito. Lahat ‘to pati yung pagkidnap sa’kin nila Alden. Kasama yun para may thrill. Haha!
Elmo: Psh. Thrill? Eh, halos mamatay na nga ako sa kaba nung nalaman kong may kumidnap sa’yo tapos pakano mo pala lahat ‘to.
Julie: Eh, sorry na. Please? Gusto ko lang naman kasing i-surprise ka eh. Gusto kong maging special ‘tong araw na ‘to para sa’ting dalawa.
Elmo: *bumuntong-hininga* Sige na. Pasalamat ka, mahal kita kundi nako! *pinisil ang ilong ni Julie*
Julie: Yey! Tara. Ito oh. Kain ka muna. Ako nagluto nyan. *inabot ang tupperware*
Elmo: Wow! Spaghetti!
Julie: Yup. Alam ko kasi, yan ang favorite mo eh.
Elmo: Thanks. Lalo tuloy akong naiinlove sa’yo.
Julie: Bola! Kumain ka na nga lang.
At nagsimula na nilang pagsaluhan ang mga pagkaing inihanda ni Julie. Nagkwento rin siya kung anong ginawa niya nitong mga nakaraang araw kung bakit hindi siya nagpakita o nagparamdam man lang kay Elmo at pagkatapos noon ay kinuha niya ang gitara para kantahan ang bintana.
Julie: Diba, tinatanong mo ‘ko kanina kung bakit ako nagplano ng ganito? Tapos di kita sinagot kasi ang gusto ko, idaan sa kanta yung sagot ko kaya dapat making kang mabuti kundi… sige ka, baka magsisi ka. Hahaha!
Elmo: Talaga lang ha? *taas ng kilay*
Julie: Oo nga! Ito na, kakanta na ‘ko kaya quiet ka lang. *nagstrum ng gitara*
I look into your eyes,
So far away.
There’s trouble on your mind,
You’re loosing faith.
Hey now
Let me hold you.
It will be O.K.
Cause I will love you,
Till they take my heart away
Napatitig si Elmo kay Julie habang kumakanta ito nang naktingin din sa mga mata niya. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang maintindihan niya ang gustong ipahiwatig ng kanta ni Julie para sa kanya. Gustuhin man niyang magtanong ay hindi niya muna ginawa dahil ayaw niyang masira ang magandang pagkanta nito para sa kanya.
Julie:
Remember when you told,
And say goodbye.
You thought we’ve lost it all
And so did I.
Even if I lost you,
It will be the same.
Cause I will love you,
Till they take my heart away…..
Nang matapos kumanta ni Julie ay nagsalita agad si Elmo.
Elmo: Julie, a-anong ibig sabihin nung k-kanta mo?
Julie: Diba, sabi ko sa’yo, dapat makinig kang mabuti dun sa kakantahin ko kasi baka magsisi ka? Di mo naman ata ginawa eh. *pouts*
Elmo: Hindi naman sa ganun p-pero ano bang ibig mong sabihin dun? Gusto ko kasing marinig galing sa’yo.
Julie: Ang totoo, ginawa ko ‘to para mapakita ko sa’yo na mahalaga ka sa’kin, Elmo. Gaya mo, hindi ko rin alam kung kelan nagsimula pero isang araw, I just found myself always thinking of you. Oo, nagka-crush ako sa’yo nung freshmen tayo pero nawala rin yun. Tapos eto, pinaglapit ulit tayo ng tadhana, naging magkaibigan tayo at naging comfortable tayo sa isa’t isa na sobrang comfortable natin, parang ang uneasy na ng feeling pag wala ka sa tabi ko. Alam mo yung ganun? Parang di ako sanay ng di ka nakikita o kaya kasama. Parang di kumpleto yung araw ko pag di kita nakikita. Parang ang lungkot ng buhay ko pag—
Naputol si Julie sa pagsasalita nang bigla siyang binigyan ng isang maikling halik sa labi ni Elmo. Pagtingin niya dito ay mataim itong nakatitig sa kanya habang may ngiti sa mga labi nito.
Julie: Elmo?
Elmo: *hinawakan sa pisngi si Julie* Alam ko na yung gusto mong sabihin. Julie, mahal kita. *ngiti*
Julie: *hinampas sa balikat si Elmo* Ang daya mo naman eh. *pouts*
Elmo: Bakit? *ngumisi*
Julie: Eeeehhh! Ako dapat ang unang magsasabi sa’yo nyan ngayong gabi eh. Kaya nga ako nag-effort ng ganito para mapakita ko sa’yo yung feelings ko tapos inunahan mo naman ako.
Elmo: *hinawakan ulit ang pisngi ni Julie* Alam mo, hindi mo naman kailangan pang gumawa ng ganitong gimik para mapakita sa’king mahal mo ko kasi nararamdaman ko naman dito. *sabay turo sa puso* Julie, alam ko. Alam kong mahal mo rin ako. *ngiti*
Lumapit si Elmo kay Julie at ipinagdikit nila ang kanilang mga noo at tumingin sa mga mata nito at saka siya muling nagsalita.
Elmo: Julie, mahal kita.
Julie: Mahal din kita, Elmo.
Kusang pumikit ang mga mata ni Julie nang maramdaman niyang lumapat ang mga labi ni Elmo sa mga labi niya. Sinasagot niya ang matatamis na halik na ibinibigay nito sa kanya para iparamdam dito ang kanyang pagmamahal. Saksi ang buwan at mga bituin sa langit ng gabing iyon sa simula ng masaya nilang pag-iibigan.
A/N:
Ayiieeee! Sila na! Ayan, tinuloy ko na yung kiss ah. Nakabawi na siguro ako? Haha! Any comments? TA me! Leggo! Thank you and enjoy reading! Saka pakibasa na rin po yung LETTER ko RIGHT AFTER THIS POST. Important po yun. Thank you. :))
rachelbalagot asked: next Chapter ulet.. :D
Mamaya ulet. :D
rachelbalagot asked: Next Chapter ulet.. :D
Updated na! :)
It’s Just Another Bet 24
Tahimik na pinagmasdan nila Lexi ang mahimbing na natutulog na sila Julie at Elmo sa sala. Nagtataka ang mga ito kung paano ito doon natulog. Bigla namang sumulpot ang lolo nila Lexi mula sa kusina at tiningnan lang din ang dalawa.
Lexi’s lolo: Alam nyo bang kanina pa yang dalawa dyan?
Mae: Ho? Anong ibig nyong sabihin?
Lexi’s lolo: Aba’y nung magising ako kaninang alas-cinco ng umaga, eh andyan na yang dalawang yan. Palagay ko, dyan sila natulog kagabi.
Lexi: Lo, pa’no mangyayari yun? Eh, kasabay naming natulog si Julie. Katabi ko pa nga siya sa kama eh.
Sef: Sigurado, binangungot si Julie kaya nagising siya kagabi tapos nagpang-abot sila ni Elmo kaya ganun.
Derrick: Oo nga. Naramdaman ko kasing bumangon si Elmo tapos siguro nakita si Julie kaya ayun, di na bumalik sa kwarto.
Lexi: Sows! Pa’no mo namang nalamang bumangon si Elmo? If I know, tulog-mantika ka kaya wala kang naramdaman.
Mae: Oh! Oh! Tama nay an. Baka mag-away na naman kayo eh. Ang aga-aga.
Lexi’s lolo: Sige na, gisingin nyo na yung dalawa nang makakain na tayo ng agahan.
Lumapit naman sila Ynna para gisingin sila Julie mula sa pagkakatulog nito para kumain ng agahan. Medyo nga nagulat pa nga sila Julie nang makita ang mga ito pagkagising dahil may mga nakakalokong ngiti ang mga ito sa kanilang mga mukha. Habang kumakain ay saka nila ikinuwento ang dahilan kung bakit sila doon nakatulog sa sala kaya lalo tuloy silang nakatanggap ng pangangantyaw mula sa mga ito. Nang matapos naman silang mag-almusal ay niyaya sila ng lolo ni Lexi na mamasyal sa flower farm nito kaya naman excited silang naggayak at saka pumuna roon.
Maraming makikitang bulaklak ang inaalagaan doon gaya ng tulips, roses, encarnation at kung anu-ano pa. Ang mga iyon ay ipinagbebenta sa mga karatig bayan pati na rin sa mga kalapit na lalawigan gaya ng Bohol at Leyte. Masaya silang nakikinig habang nagkukwento ang lolo ni Lexi tungkol sa pagpapalago nito ng flower farm. Si Julie naman ay hindi maiwasang mamangha sa mga bulaklak pero kasabay nito ay ang pagkirot sa kanyang puso dahil sa alaala ng kanyang ina.
Sef: *inakbayan si Julie* Ok ka lang?
Julie: O-oo naman. *malungkot na ngiti*
Sef: I’m sorry.
Julie: Anu ka ba?! Ok lang ako no. Wag mo nang alalahanin yun. Wala ka namang kasalanan dun eh. Ako nga ang dapat magsorry.
Sef: Mas lalong hindi ka dapat magsorry no. Walang may gusto ng nangyari.
Julie: Alam ko naman yun eh.
Magsasalita na sana ulit si Sef nang may tumawag kay Julie kaya naman napatingin sila sa kanilang likuran.
Julie: Oh, Elmo?
Elmo: Uh, may ibibigay sana ‘ko sa’yo.
Sef: Sige, Julie. Una na muna ‘ko. *tinapik si Elmo sa balikat*
Elmo: Salamat pare.
Nang makaalis si Sef ay saka lang napansin ni Julie na nakatago ang mga kamay ni Elmo sa likod nito.
Julie: Elmo, ano yang nasa likuran mo?
Elmo: Ah, ito, para sa’yo. *inabot ang stem ng rose sabay ngiti*
Julie: *nangilid ang luha* E-elmo, t-thank you.
Biglang lumapit si Elmo kay Julie nang makita niya ang nangingilid na luha ng mata na dalaga. Agad niyang pinahid ang mga iyon at nag-aalala niya itong tinanong.
Elmo: Julie, bakit? Ayaw mo ba nung binigay ko?
Julie: *umiiling-iling* Na-touch lang ako kasi sa dami ng mga bulaklak dito, rose pa yung binigay mo.
Elmo: Kasi yun naman talaga yung binibigay sa mga taong mahal nila diba? *ngiti*
Julie: *ngiti* Alam mo, ikaw ang keso mo. Hindi ko talaga aakalaing may ganyang side ka. Pwede ka nang sumali sa Keso Boys sa Party Pilipinas eh. Hahaha! (A/N: Nagpromote pa nga. :D )
Elmo: Hindi mo pa talaga kasi kilala yung isang side ko. Ang totoo, ngayon ko lang din naman nalaman na may ganitong side pala ako. Ikaw kasi eh. *napakamot sa ulo*
Julie: *hinampas sa braso si Elmo* Ako pa nga raw. At bakit naman ako, aber? *tinaasan ng kilay si Elmo*
Elmo: Cause you made me fall in love with you. *titig sa mga mata ni Julie*
Julie: *tumitig din sa mga mata ni Elmo* Kelan?
Elmo: *kumunot ang noo* Anong kelan?
Julie: Kelan mo ‘ko sinimulang mahalin?
Elmo: *ngumiti* Hindi ko alam kung kelan ekstakto eh. Basta, I just found myself waking up one day having this feeling of being in love with you.
Saka muling nagtama ang kanilang mga mata. Hindi alam ni Elmo ang nangyayari pero tila may sariling isip ang mga kamay at paa niya at nagsimula itong maglakad papalapit kay Julie at haplusin ang pisngi nito. Naramdaman niya ring kusang lumalapit ang kanyang mukha sa mukha nito at doon niya napagtanto kung ano ang kanyang gustong gawin. Nang papalapit na nang papalapit ang kanyang mukha sa dalaga ay nakita niya itong pumikit at tila ba hudyat ito ng dalaga na payag ito sa gusto niyang mangyari kaya naman itinuloy na niya ang paglapit sa mukha nito para mahalikan ito sa labi nang biglang…
*BOOGGSSSHHHH*
May bumagsak na kung ano sa di kalayuan kaya naman bigla silang napalayo sa isa’t isa at biglang nakaramdam ng kaunting pagkailang. Si Julie ang unang nakabawi mula sa pangyayari kaya ito ang unang nagsalita.
Julie: *hindi nakatingin kay Elmo* Waaaahhh! Muntik na yun ah. Pero sayang, di natuloy! Choss! Ah, tara na? Baka kasi hinahanap na nila tayo eh.
Elmo: Sayang! Ayun na eh. Di bale, may next time pa naman. Haha! A-ah, sige. Ayan, ang awkward tuloy. *napakamot sa ulo*
Kaya naman bumalik na sila sa kanilang mga kasamahan. Napansin ng mga ito na para bang tahimik silang dalawa at parang iniiwasan ang isa’t isa. Gabi na sila nakabalik mula sa flower farm kaya naman pagkatapos kumain ng hapunan ay doon lang sila natanong ng mga kaibigan.
Ynna: Julie, ok lang ba kayo ni Elmo?
Julie: Huh?! Bakit? Ok naman kami ah.
Lexi: Ok ba yun? Eh, halatang nag-iiwasan kayo. Ano ba kasing nangyari sa farm ah?
Mae: Oo nga. Napansin ko rin yun. Kanina naman, ok kayo pero pagkaalis nating ng farm, ganyan na ang mga itsura nyo. Para kayong ilang sa isa’t isa.
Julie: Eh, w-wala lang yun. Kayo, kung anu-anong iniisip nyo. Tara na nga, mag-ayos na tayo ng gamit dahil maaga pa ang flight natin bukas.
Kibit-balikat na lang na sumagot ang mga ito sa sinabi ni Julie at inumpisahan ang pag-aayos sa kani-kanilang mga gamit. Maaga rin silang nagpahinga dahil nga maaga pa silang aalis para sa flight nila kinabukasan.
Kinaumagahan ay naghanda ang lolo ni Lexi ng masarap na almusal para sa kanila bago sila tuluyang umuwi. Pinabaunan rin sila ng mga pasalubong nito para maiuwi sa kani-kanilang pamilya sa Maynila. Nang matapos sila sa pag-aayos ay nagpaalam na sila sa lolo ni Lexi at dumiretso sa airport. Naging maayos naman ang kanilang byahe pauwi ng Manila pero hindi maitatanggi ni Elmo ang awkward o ilang na pakiramdam nila ni Julie sa isa’t isa kaya naman nang maihatid na niya ito sa bahay nito ay kinausap niya ang dalaga.
Elmo: Uh, Julie, sandali. *hinawakan si Julie sa kamay*
Julie: Elmo? *kumunot ang noo*
Elmo: G-gusto ko sanang humingi ng s-sorry sa’yo.
Julie: S-sorry? Para saan?
Elmo: Para sana dun sa nangyari sa farm.
Julie: *namula at umiwas ng tingin kay Elmo* Ah, eh..
Elmo: Look, Julie, I’m sorry. Hindi ko sinasadya. Ayoko lang namang isipin mo na nag-ta-take advantage ako sa’yo. It’s just that—
Julie: *tinapat ang hintuturo sa labi ni Elmo* You don’t have to explain. Hindi naman ako galit. *ngiti*
Elmo: Talaga?
Julie: Oo naman no. Hahaha! Sorry rin kung medyo nailang ako ng konti.
Elmo: Ok lang. Naintindihan ko naman eh. Uhm, sige Julie, una na muna ako para makapagpahinga ka na rin muna. Bye! *ngiti*
Tatalikod na sana si Elmo nang tawagin siya ulit ni Julie at ang ikinagulat niya ay ang paghalik nito sa kanyang pisngi.
Julie: Babye! *sabay takbo papasok sa loob ng bahay*
Naiwang nakatulala si Elmo sa harap ng bahay nila Juie habang hawak-hawak nito ang kanyang pisngi kung saan siya hinalikan ng dalaga. Nang mapagtanto niya kung ano ang ginawa ni Julie ay napako ang ngiti sa kanyang labi hanggang sa makasakay siya sa kanyang kotse at makarating sa tinutuluyang condo.
A/N:
Ang mahiwagang “BOOOGGSSSHHH” na istorbo sa kiss. Wahahahaha! >:DDD Any comments from here to the previous chaps? TA me! Let me hear your beautiful voice! Hahaha! (Anne Curtis? #choss) Thank you and enjoy reading! :)))
(Source: teamjapsandmoe)
Anonymous asked: Next Chapter ulet.. :D
Posted na chapter 23! Thank you. :)
It’s Just Another Bet 23
Pagkarating sa bahay ng lolo nila Lexi ay agad silang sinalubong ng mga katulong doon. Ang mga ito na ang kumuha ng kanilang mga bagahe at inilagay sa mga kwarto inihanda ng lolo nila Lexi para sa kanila. Pagkatapos ay saka dumating ang lolo nito mula sa kusina.
Lexi’s lolo: Mga apo ko!
Mae: Hi lo! *yakap sa lolo*
Lexi: Lolo! *yakap din sa lolo*
Lexi’s lolo: Kamusta na kayo ha? Ang tagal nyo nang hindi nakakapasyal dito.
Mae: Sorry naman, lo. Alam nyo namang busy kami eh. Saka isang taon na lang ga-graduate na ‘tong si Lexi oh.
Lexi: Oo nga, lo. Marami lang talagang ginagawa sa Manila. Ay! Nga po pala, kasama ko yung mga kaibigan ko.
Saka ipinakilala ni Lexi sila Julie sa lolo nito isa-isa. Nang matapos iyon ay pumunta muna sila sa kani-kanilang mga silid. Magkakasama ang apat na babae sa isang kwarto habang ang mga lalaki naman ay sa kabilang kwarto. Pagkatapos nilang maayos ang kanilang mga gamit ay dumiretso na sila sa hapagkainan para mananghalian. Kinamusta sila ng lolo ni Lexi tungkol sa kung anu-anong mga bagay at pagkatapos noon ay bumalik sila sa kanilang mga kwarto para makapag pahinga.
Lexi: Guys, pasensya na kayo kay lolo ah. Ang kulit. Ang daming tanong.
Mae: Oo nga. Pagpasensyahan nyo na si lolo. Na-miss lang siguro kami masyado. Matagal na rin kasi nung huli kaming nakapunta dito eh.
Lexi: Pa’no naman kasi, ang layo masyado. Hahaha!
Julie: Ok lang yun no! Enjoy ngang kasama si lolo eh.
Ynna: Eh, mukha sa’yo lang naman enjoy si lolo.
Julie: Hindi naman siguro.
Mae: Actually, medyo kaugali mo kasi yung paboritong anak ni lolo kaya siguro sa’yo yun naaaliw.
Ynna: Talaga? Galing ah!
Lexi: Oo. Kaya Julie, pagpasensyahan mo na kung ikaw lagi ang napapansin ni lolo. Natutuwa lang talaga yun sa’yo.
Julie: Sabi ko namang, ok lang diba? Di nyo na kailangang mag-alala. And besides, ngayon ko lang din naman naranasang magkaroon ng lolo eh.
Mae: Huh?! Bakit?
Julie: Eh, kasi yung lolo ko sa mother side, never kong nakilala tapos yung sa father side naman, ayaw sa’kin.
Mae: Bakit?
Lexi: Ate!
Mae: What?!?
Lexi: Mga tanong mo naman kasi eh.
Mae: Bakit? Ano namang masama sa tanong ko ha?
Lexi: Eh, kasi—
Julie: Lex, ok lang. *tipid na ngiti* Anak kasi ako ni daddy sa labas kaya ayaw sa’kin ni lolo. Hindi niya kasi matanggap na nagka-affair si daddy sa ibang babae eh.
Mae: *hinawakan ang kamay ni Julie* Julie, sorry. Ang kulit ko kasi eh. Di ko alam na may sensitive reason pala. Sorry ulit.
Julie: No, it’s ok. Matagal ko naman nang tanggap yun eh. *ngiti*
Ynna: Oh, sha! Sha! Sha! Tama na ang emote. Andito tayo para magbakasyon kaya wala munang ganyang moments. Matulog muna tayo para mamaya eh, may energy tayong maglakwatsa! Hahaha!
At gaya nga ng sinabi ni Ynna ay nagpahinga muna sila. Matagal rin silang natulog dahil medyo mahaba at nakakapagod ang kanilang nagging byahe. Nagising na lamang sila nang makarinig sila ng mga yabag sa labas kaya naman pinili na rin nilang mag-ayos at lumabas ng kanilang kwarto.
Lexi: *nakapamewang* Ano bang problema nyo?! Ang ingay-ingay nyo! Nagising tuloy kami.
Derrick: Hoy! Kung hindi kami nag-ingay, malamang, hindi na kayo magigising kasi mga tulog-mantika kayo. Sayang naman ang ipinunta natin dito kung matutulog lang kayo.
Lexi: Sorry ha! Pagod kasi kami sa byahe kaya siguro hindi naman masyadong masama kung magpahinga, diba?!?
Alden: Kuuu! Tumigil na nga kayong dalawa. Mamaya, kayo pa’ng magkatuluyan dyan eh.
L/D: NO WAY!
Ynna: Pakipot!
At nagtawanan naman sila pero dahil ayaw ni Lexi na sa kanya mapunta ang usapan dahil baka mabuking siya na may lihim siyang pagtingin kay Derrick ay mahusay niyang iniba ang usapan at ibinaling ito kay Julie.
Lexi: Speaking of pakipot, ikaw Julie, hanggang kelan ka magpapakipot kay Elmo? *ngumisi*
Julie: Oh, Ba’t sa’kin na naman napunta ang usapan?
Ynna: Eh, ba’t mo iniiwasan?
Julie: Hindi ko iniiwasan no!
Lexi: So kelan nga?
Julie: Kelan ang alin?
Lexi: Hanggang kelan ka magpapakipot kay Elmo.
Hindi muna sumagot si Julie dahil tumingin siya kay Elmo na pakiramdam niya ay kanina pa nakatingin sa kanya. Nang tumingin siya dito ay binigyan siya nito ng isang matamis na ngiti kaya naman bigla rin siyang napangiti at saka muling ibinaling ang atensyon kay Lexi.
Julie: Soon. *ngiti*
Ynna: Anong “soon”?
Julie: Basta! Tara na nga. Punta na tayo dun sa dining area. Gutom na ‘ko.
Mae: Para-paraan. *umiiling-iling*
Gabi na kasi sila nagising sa sobrang haba ng tulog nila kaya naman hapunan na agad ang kinain nila. Dhail wala na rin naman silang mapapasyalan dahil gabi ay napagdesisyunan nilang manood na lamang ng DVD’s at maglaro.
Ynna: Teka, ano bang gusto nyong panoorin?
Derrick: Action!
Lexi: Boring naman nun!
Derrick: Anong boring dun?
Lexi: Ikaw!
Mae: Oh, oh! Tama na yan. Mamaya, kung saan pa mapunta yung away nyo eh. For sure, ayaw ng mga lalaki ng love story, right guys?
E/D/S/A: Right!
Mae: Sabi ko nga. So, ok lang naman ba sa inyong lahat kung horror na lang panoorin natin?
All except kay Julie at Sef: Oo!
Sef: Wag na lang horror. Sci-fic na lang.
Mae: Eh, gusto kasi ng majority, horror.
Sef: Ayaw kasi ni Julie ng horror eh.
Kaya naman napatingin ang lahat kay Julie dahil sa sinabing iyon ni Sef.
Julie: Ah, eh.. Ok lang naman kung yun yung gusto nyong panoorin. Promise! *ngiti*
Elmo: Sure ka? Pwede namang iba na lang.
Julie: No. *winawagayway ang kamay* Horror na. Sige na. Go!
Wala na silang nagawa kundi tumuloy na lang sa panonood ng nakakatakot na pelikula. Pinili nilang panoorin ang “Coming Soon” dahil karamihan sa kanila ay hindi pa iyon napapanood. Ang mga babae ay walang tigil sa pagtili sa kani-kanilang mga upuan habang ang mga lalaki naman ay parang wala lang kung manood. Pero hindi nakatakas sa mga mata ni Elmo ang labis na takot sa mga mata ni Julie kaya naman mas lumapit pa siya sa kinauupuan nito.
Elmo: You okay? *sabay akbay kay Julie*
Tumango lang si Julie bilang tugon sa tanong ni Elmo pero maya-maya pa ay napayakap na siya dito.
Elmo: Julie, you’re shaking. Ok ka lang ba talaga? Gusto mo, wag na nating tapusin yung movie? *hinahagod ang likod ni Julie*
Julie: *kumalas sa pagkakayakap* Wag. Ok lang talaga ako. Nabigla lang siguro ako kanina. *ngiti*
Elmo: Sige. Basta, sabihin mo lang sa’kin kung ayaw mo na talaga. Ok?
Nginitian na lang ni Julie si Elmo. Hindi na siya ulit nagpakita ng kahit anong matinding pagkagulat o pagkatakot hanggang sa matapos ang pelikula. Mag-aalas-onse na rin ng gabi nang matapos sila sa panonood kaya naman pinili na nilang matulog dahil ayaw na nilang makaistorbo pa sa mga katulong at sa lolo nila Lexi na mahimbing nang natutulog noon. Kanya-kanya na sila sa pag-aayos ng sarili hanggang sa mahiga na sa kani-kanilang mga kama.
Nasa kaligitnaan na si Julie ng kanyang pagtulog nang maalimpungatan siya dahil sa mga kaluskos na kanyang naririnig. Pinilit niyang wag itong pansinin at hinayaang makatulog ulit ang sarili. Tagumpay naman siya sa kanyang ginawang pagtulog ngunit kasabay nito ay ang pagkakaroon niya ng isang masamang panaginip dahil na rin siguro sa pinanonood nila kanina. Nagising siya na hinihingal at pawis na pawis kahit na bukas ang aircon sa loob ng kwarto. Masyado siyang natakot sa kanyang panaginip at nakaramdam tuloy siya ng matinding pagkauhaw.
Lumabas siya ng kwarto para pumunta sa kusina at uminom ng isang basong tubig nang maramdaman niyang may tao sa likuran niya.
Julie: AAAAAAAHHH!
Elmo: *tinakpan ang bibig ni Julie* Sorry! Sorry! Di ko sinasadya.
Julie: Elmo? *biglang napayakap kay Elmo*
Elmo: Julie? *inilayo sandali si Julie sa kanya* O-ok ka lang?
Julie: Elmo, natatakot ako. *naluluha*
Elmo: *pinahid ang namumuong luha sa mata ni Julie* Ssshhh! Wag ka nang umiyak. Sabi na eh. Dapat hindi mo na tinuloy yung movie kanina. Tingnan mo tuloy, natatakot ka nang ganyan.
Julie: Eh, yun kasi ang gusto nyo kaya pumayag na lang ako. Ayoko namang maging KJ eh.
Elmo: *niyakap ulit si Julie* Sus! Sa tingin mo ba, uunahin pa namin yung pagiging KJ mo kesa sa kalagayan mo? Siyempre, hindi no. Kaya next time, magsasabi ka ah. Ayoko namang ma-sacrifice yung sanity mo no.
Julie: *hinampas si Elmo* Sira!
Elmo: *natawa* Pero seriously, next time magsasabi ka ah?
Julie: *kumalas ng konti kay Elmo* Opo.
Elmo: *halik sa noo* Good. Tara, balik na tayo sa kwarto.
Julie: *napakamot sa ulo* Ah, eh… Elmo, pwede bang samahan mo na lang ako? Hindi na rin kasi ako makatulog. Natatakot akong bangungutin ulit eh.
Elmo: Sige. Dun na lang tayo sa sala.
Kaya naman pumunta sila sa sala para doon magpalipas ng oras. Sumandal si Julie sa may dibdib ni Elmo samantalang si Elmo naman ay ipinatong ang kamay nito sa balikat niya habang nagkukwento siya kung bakit siya sobrang matatakutin. Matamang nakikinig lang ang binata sa kwento niya nang bigla itong magsalita.
Elmo: Alam ko na, kakantahan na lang kita.
Julie: *napalingon kay Elmo* Huh?!
Elmo: Kakantahan kita. Ganun kasi ang ginagawa ni mama sa’kin kapag hindi ako makatulog dahil sa lakas ng kulog at kidlat. Pag ginagawa niya yun, nagiging payapa ang isipan ko kaya nakakatulog na rin ako nang mahimbing.
Julie: Ano namang kakantahin mo?
Elmo: Surprise ko na lang yun.
Julie: Sige na nga. Go! Kanta na. *inihiga ulit ang ulo sa dibdib ni Elmo*
Elmo: Okay. Game. *ubo ubo*
At saka nagsimulang kumanta si Elmo ng “I’ll Be There” ni Martin Nievera.
Elmo:
When you wake up each mornin’
And you feel like callin’
I’ll be there for you
When the road seems uncertain
And you can’t stop the hurtin’
I’ll be there for you
When there’s no one beside you
I’ll be there to guide you
Catch you each time you fall
When the stars won’t shine anymore
I’ll be there….
When the world is unkind
And your dreams they need more time
I’ll be there for you
If the rules they keep breakin’
And the future is fadin’
I’ll be there for you
Napansin ni Elmo na hindi na gumagalaw si Julie kaya naman itinigil na niya ang pagkanta pero hindi niya napigilang halikan ito sa noo at saka bumulong sa tenga nito.
Elmo: I love you Julie.
At doon lang ipinikit ni Elmo ang kanyang mga mata para matulog. Hindi na siya nag-abalang buhatin ito papunta sa kwarto nito dahil baka magising lang ito at baka bangungutin ulit. Mabuti na iyon na siya ang katabi ng dalaga para naman hindi na ulit ito mangamba.
Napangiti si Julie sa narinig niyang sinabi ni Elmo sa kanya pagkatapos nitong kumanta. Dinadama niya kasi ang pagkanta nito na talaga namang nagpapakalma sa kanya na kaya tuloy inakala nito na tulog na siya. Dahil doon isang bagay ang kanyang nasabi sa sarili na alam niyang sasabihin niya rin sa binata sa mga susunod na araw.
Julie’s POV: I love you too Elmo.
A/N:
Si Elmo ang kumanta para kay Julie. Yiiieeee! :”“> Maiba naman. Hahaha!
43rd GMMSF - Julie Anne San Jose and Elmo Magalona - Most Promising Female/Male Singer/Performer
credits to @AmbootSalmo
Pink It Is!: JuliElmo - All For Love ^_^
May 2, 2012
Bulgar News Paper - Dinno Myte column by Dino Erece
Woohooo!!! This is it, weekly show for Julie and Elmo
“Maggu-Goodbye na ang tweens in favor of Julie Anne San Jose and Elmo Magalona”
“Today, ipi-present ang concept replacement show and it will reportedly star Julie…


